Paano Mag-Cash Out (Withdraw) sa Banko

Huling Na-update: Abril 2026 | Sinuri ng Ubneo editorial team [Pamantayang editoryal]

1. I-transfer ang Funds sa Funding Wallet

Bago ka makapag-benta sa P2P, kailangan mong i-transfer ang iyong USDT mula sa "Spot Wallet" papunta sa "Funding Wallet". Libre lang ang internal transfer na ito.

2. Magbenta (Sell) sa P2P

  • Pumunta sa P2P Trading at piliin ang Sell.
  • Piliin ang PHP bilang currency at piliin ang banko mo (hal. UnionBank, BPI, o GCash) sa Payment Method.
  • Pumili ng buyer na may magandang rate at mataas na completion rate.
  • Ilagay kung ilang USDT ang ibebenta mo at i-click ang Sell.

3. Maghintay at I-verify

Maghihintay ka ngayon na i-transfer ng buyer ang pera sa bank account mo. Huwag i-click ang "Payment Received" hangga't hindi mo nakikita ang pera sa mismong bank app mo. Kapag pumasok na ang pera, i-click ang "Payment Received" para i-release ang USDT sa buyer. Tapos na ang cash out!